876

By

‘Kawawa ang liga’ comment ni Compton sa paglipat ni Romeo, binuweltahan ng SMB

Hindi nagustuhan ng San Miguel management ang naging sinabi ni Alex Compton matapos itong magkomento sa naging pagkuha nila sa super scorer ng liga na si Terrence Romeo.

Sa isang panayam sa Philippine Daily Inquirer, sinabi ng Alaska coach na si Compton na hindi na magiging balanse ang liga dahil sa mas pinalakas pang powerhouse team ng SMB sa pagdagdag ni Romeo sa koponan.

“There was San Miguel for three Finals. And June Mar (Fajardo) was always an issue … Then they added Christian (Standhardinger) and now they added Terrence (Romeo). Kawawa ang liga,” pakli ng beteranong coach.

Ayon sa inilabas na statement ng Beermen, wala sa hulog ang naging komento ni Compton matapos na ipamigay din ng Alaska ang kanilang dalawang key player na sina RJ Jazul at Calvin Abueva.

Si Jazul ay ipinalit para kay Simon Enciso sa Phoenix Fuel Masters, samantalang si Abueva naman ay nalipat din sa Phoenix para sa guwardiyang si Karl Dehesa at 2019 first-round pick.

“It is unfortunate that Alaska team head coach Alex Compton had to make a statement against the Beermen and the league when he actually traded away competent players like RJ Jazul and Calvin Abueva,” the SMB statement read.

Nilinaw din ng San Miguel na hindi lang sa kanila ini-offer si Romeo, dumaan muna sa ibang koponan bago tanggapin ang kanilang trade package.

“It is also widely known that Terrence Romeo was offered to all the PBA teams before he was traded to San Miguel Beermen,” dagdag pa sa statement ng koponan.

Matagal pa bago magkakaharap ang koponan, nakatakdang maglaban sa Marso 24 sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?