31

Nov 29, 2021 @ 9:57
By

Kawatan ng bisikleta tiklo sa Makati

Kasabay ng paggunita sa National Bicycle Day nitong Linggo ay nadakip ang isang miyembro ng ‘Sigue Sigue Sputnik gang’ na nahuling nagnakaw ng bisikleta sa Makati City.

Batay sa ulat ng pulisya, nakita nila ang suspek bitbit ang isang bisikleta na may lock pa sa gulong.

Dahil sa pagtataka kung bakit may lock pa ito at hindi sinasakyan, sinita nila ang suspek kung saan wala itong maayos na maisagot.

Ilang sandali lang umano ay may nagpuntang lalaki sa barangay hall para isumbong ang nawawala niyang bisikleta at itinuro na iyon ang dala ng naturang lalaki.

Ayon sa mga pulis, 21-anyos lamang ang kawatan, na nahaharap sa kasong theft. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?