111

Jun 20, 2020 @ 21:13

Kawatan na nangmanyak ng dalagita timbog sa t-shirt

Swak sa kulungan ang isang menor de edad na nagnakaw na nanghimas sa ari ng isang natutulog na dalagita sa Gen Trias City, Cavite.

Nakilala ang suspek dahil sa naiwang suot nitong t-shirt na si alias Brent, 16, ng Purok 2 Gen Trias City, Cavite dahil sa reklamo ni Geepoy Osic Faropaldino, 19, ng Purok 2 Brgy Tejero, Gen Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Cristopher Dumlao ng Gen Trias City Police Station, dakong alas-2:00 kahapon ng madaling araw nang puwersahang pinasok ng suspek ang bahay ni Farapoldano sa pamagitan ng pagsira ng plastic na bintana ng bahay at nang nakapasok ay tinangay ang OPPO A3S cellphone ng biktima.

Pero bago lumabas, napansin nito ang isang 14-anyos na dalagita na natutulog kaya’ t pinaghihimas pa nito ang ari ng bata.

Nagising ang biktima at nagsisigaw kaya mabilis na tumakas ang suspek pero naiwan ang suot na t-shirt at ang dalang kutislyo. Mabilis na natunton at nadakip ng suspek n kinasuhan ng paglabag sa Theft at Acts of lasciviousness habang nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development . (Gene Adsuara)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?