76

By

Kawatan, mga sindikato nagkalat sa Customs! – Duterte

Mainit pa rin ang ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa talamak umanong katiwalian.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya titigil hangga’t hindi nalilinis ang ahensya laban sa mga tiwali at mga nakikipagsabwatan sa sindikato.

Sa cabinet meeting kagabi, ipinarating sa Pangulo ang nakatakdang pagsalang sa masusing training ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may technical expertise para sa gagawing pagbabantay sa mga X-ray machines sa mga pantalan.

Pinag-aaralan na ng Pangulo ang mungkahi ni dating Customs Chief Isidro Lapeña na pagbili ng mga bagong X-ray machines para matutukan ang lahat ng ports sa bansa.

Uminit ang ulo ng Pangulo dahil sa hindi pa rin natutukoy na pinagdalhan sa nakapuslit na tone-toneladang shabu noong nakalipas na ilang buwan.

“Maraming kawatan doon. Hindi na natapos karaming sindikato diyan. Maraming yumaman diyan. Lahat diyan, sinasabi ko. Kaya sabi mo to be selective. Ngayon, baka sabihin ni Duterte kawatan kami, lahat hindi ano. Eh p*t*ng in*, eh bakit maraming lumusot na ganun kalaki?,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na ang iligal na droga na ang nangungunang banta sa pambansang seguridad patunay dito ang mga nangyaring karumal-dumal na krimen, pati na ang negatibong epekto nito sa ekonomiya at sa kuleksiyon sa buwis.

“Drug menace is the number one threat to national security linking drugs not only to its significant influence in the rise of heinous crimes but also it negatively affects the economy and the role it plays in the corruption of our collections even in our law enforcement agencies,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?