773
watching-sex-scandal
By

Kawani ng Malacañang arestado sa pananakot na pagpapakalat ng sex video

Sharing is caring!

Isang empleyado ng Malacañang na naka-assign bilang support officer ng Citizen Complain Hotline ang inaresto ng mga awtoridad sa isang entrapment operation matapos na ireklamo ng kanyang ex-girlfriend sa umano ay pagbabanta ditong ia-upload ang kanilang sex video sa social media kung hindi papayag sa kanyang kagustuhan.

Sa ulat nina PO3 Corazon Nuque at PO2 Mary Jane Belza ng Malabon City Police – Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ay ganap umanong alas-7:30 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Intelligence Branch sa Barangay Longos sa Lungsod ng Malabon, ang suspek na itinago sa pangalang ‘Ton-Ton’, 40-anyos ng Tanza, Cavite sa kahilingan na rin mismo ng mga awtoridad.

Ayon sa biktima na itinago naman sa pangalang Mabel, 30-anyos mula sa parehong lungsod ay pinasya na umano niyang wakasan ang kanilang tatlong buwang relasyon ng suspek dahil sa maya’t maya nilang pag-aaway, ngunit tumanggi umano ang suspek na makipaghiwalay sa kanya at pinagbantaan pa siyang ikakalat sa social media ang mga nude photo ng biktima maging ang kanilang sex video kung hindi makikipagkita sa kanya at muling makikipagtalik.

Mabilis namang humingi ng saklolo sa mga awtoridad ang biktima dahilan upang agaran namang atasan ni Malabon City Police Chief Senior Supt. Jessie Tamayao ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng entrapment operation laban sa suspek na nauwi sa mabilis ding pagkakaaresto dito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malabon City detention cell ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kasong light threat in relation to RA 9262 o Violence Against Women and their Children’s Act at Anti-Photo and Voyeurism Act of 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?