14

Jan 12, 2022 @ 15:29
By

Kawani ng DILG nadale ng Covid 19

Nahawa ang 57 na kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng COVID-19, ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya.

Aniya, 5 porsyento ng kanilang empleyado sa central office ang nagpositibo sa virus.

“Marami po din ang nagka-COVID, gaya po ng ibang mga frontliners natin. Dito lang po sa central office, out of our 1,124 total employees, meron po kaming 57 na mga nagpositibo,” ani Malaya sa public brifieng.

“Around 5 percent of our employees from the central office ay nagka-COVID,” pahayag pa nito.

Dagdag pa ni Malaya, karamihan sa mga manggagawang tinamaan ng coronavirus ay halos walang sintomas o mild symptoms lang; marami rin sa mga ito ang gumaling na.

Samantala, naka-isolate ngayon sa kaniyang bahay si Interior Secretary Eduardo Año matapos nitong tamaan ng coronavirus sa ikatlong pagkakataon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?