17
ABANTE-TNT-bigas-kilo
By

Kawalan ng import permit, dahilan kaya naaantala ang pagproseso sa mga rice shipment — BOC

Sharing is caring!

Itinanggi ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na naaantala ang pagproseso sa mga angkat na bigas sa mga pantalan.

Ginawa ni Lapeña ang paglilinaw dahil ang pagkaantala umano sa pagpapalabas ng mga rice shipment mula sa BOC ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Sa isang statement, iginiit ni Lapeña na sa katunayan, inatasan na niya ang lahat ng mga district collector na madaliin ang pagproseso sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas, asukal at karne.

Hindi lang daw maiwasan na may ilang pagkakataon na nagkakaproblema sa proseso dahil sa kawalan ng import permit mula sa National Food Authority (NFA).

“Knowing the importance and urgency to release these shipments, I have sent a letter request to the Department of Agriculture and the National Food Authority dated September 10 to expedite the release of the import permits since it cannot be released on our end without such permit,” paliwanag ni Lapeña.

Aniya, dapat bago pa dumating ang rice shipment ay naiproseso na ang NFA permit, pero ilan umano sa mga importer, saka pa lamang kumukuha ng permit mula sa NFA kapag dumating na sa bansa ang shipment.

“If only NFA permits were submitted to the Bureau before the arrival of these shipments, then an efficient and faster Customs clearance process can be made,” dagdag ni Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?