47

Jan 30, 2020 @ 15:27
By

Kauna-unahang Miss Universe PH, gaganapin sa Mayo

Tuloy na tuloy na ang kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant ngayong 2020.

Sa press conference na ginanap nitong Miyerkoles, binunyag na ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang nasabing pageant.

Ito ay mangyayari sa May 3 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pwede pang mag-apply ang mga aspiring beauty queen hanggang January 31, maaring magpadala ng kanilang application sa MUP organization.

Ang Miss Universe Philippines pageant ay ang unang salang matapos na humiwalay ito sa Binibining Pilipinas Charities Inc.

https://www.facebook.com/TheMissUniversePH/posts/639704393445778

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?