58

Dec 11, 2019 @ 20:11
By

Kauna-unahang electric plane lumipad sa Canada

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang electric commercial aircraft ang napalipad sa pamamagitan ng kuryente.

Isinagawa ang test flight ng kauna-unahang fully electric commercial aircraft sa buong mundo noong Martes sa Vancouver, Canada, ayon sa Gulf News report.

Dinisenyo ng Seattle-based engineering firm na magniX ang motor ng eroplano sa pakikipagtulungan sa Harbour Air, na naghahatid sa milyong pasahero sa Vancouver, Whistler ski resort at mga kalapit na isla at coastal communities.

Tumagal ang pagpapalipad sa DHC-2 de Havilland Beaver seaplane ng 15 minuto.

Maliban daw sa matipid ito, zero emission ito o environment friendly.

Dadaan pa ang e-plane sa maraming test para makumpirmang ligtas ito habang ang kanyang electric motor ay kailangan pang sertipikahan ng mga regulator.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?