25

Jan 21, 2021 @ 22:30
By

Katy Perry nagpa-wow sa Biden-Harris inauguration concert

Tinapos ni Katy Perry ang star-studded concert para sa panunumpa nina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris nang may pasiklab.

Inawit ng singer ang 2010 hit song niyang “Firework” sa harap ng Washington Monument habang nanonood sina Biden at Harris.

Nagpe-perform siya habang nasa backdrop niya ang nagniningning sa kalangitan na mga firework.

Maliban kay Perry, kabilang sa nag-perform sa inauguration concert sina Justin Timberlake, Bruce Springsteen at John Legend.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen sa performance ni Perry:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?