29

Katy Perry, balik-Manila para sa 2018 concert tour

Sharing is caring!

Muling magko-concert sa Pilipinas ang pop star na si Katy Perry bilang bahagi ng kanyang Asia leg of “Witness: The Tour.”

Isasagawa ang concert Mall of Asia Arena sa April 2, 2018.

Tatlo sa latest hit singles ni Katy ay kasama sa album niyang Witness. “Chained to the Rhythm” featuring Skip Marley, “Bon Appetit,” and “Swish Swish” featuring Nicki Minaj.

Magsisimula ang pagbenta ng tiket 12pm ng Disyembre 11, 2017.

Mabibili ang tiket sa P19,540, P16,370, P13,200, P6,870, at P2,640.

Huling nag-concert si Katy sa Pilipinas noong 2015 bilang bahagi ng kanyang World Tour.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?