10
abante-tnt-vismin-ricci-rivero-kobe-paras
By

Katuwang nina Kobe, Ricci sa Asiad ‘ala pa

Sharing is caring!

apalapit na ang 2018 Asian Games ngunit pinoproblema pa rin ni Gilas coach Chot Reyes kung paano kukumpletuhin ang lineup para sa torneong sisipa sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang, Indonesia.

Natapos na nakatakdang deadline sa pagplantsa ng pangalang magrerepresenta sa bawat bansa ngunit hanggang ngayon ay anim pa lang ang nakasulat sa listahan ng Gilas.

“Personally, I’m at a loss. The deadline to submit athletes by name to the Asian Games Organizing Committee has passed and we’ve been given an extension. I’m just wondering where we can get more players if the PBA, MPBL, UAAP and NCAA won’t allow their players to join us,” saad ni coach Reyes.

Kabilang sa binubuong koponan ng Gilas coach sina Gilas cadets Kobe Paras, Ricci Rivero, Prince Rivero, Abu Tratter, Jay-Jay Alejandro at Vince Tolentino.

Maaari rin nilang tapikin si naturalized player Andray Blatche ngunit maaaring maging isyu ang budget sakaling kailanganin nila ito.

May hanggang Hunyo 10 na lang si coach Reyes upang makakuha ng anim pang manlalaro lalo na’t nanggigigil makabalik ang Gilas coach sa Asian Games kung saan tumapos ang Pilipinas sa ikapitong pwesto noong nakaraang edisyon, pinakamababa sa kasaysayan ng Gilas program.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?