35

Jun 19, 2020 @ 10:31
By

Katulong na kompanya ng CebuPac magtatanggal ng 1K kawani

Sisibakin ng 1Aviation Groundhandling Services Corp. ang higit 1,000 nitong empleyado dahil sa pagsalanta ng COVID-19 pandemic.

“With a heavy heart, we are left with no other recourse but to let go of 25 percent of our total workforce,” wika ng kompanya.

Sa Hulyo 20 ang huling araw ng mga aalising kawani.

Noong Abril, kasunod ng Luzon lockdown ay nagbawas din ang 1Aviation ng 400 newly-hired staff, kabilang ang mga check-in at boarding gate agent at baggage handler.

“The welfare of affected employees will be taken cared of as we always do, with packages that are above what the law requires. We also assured them that they will be prioritized for hiring once the situation stabilizes and business picks up again,” wika pa ng kompanya.

Pinakamalaking kliyente at part-owner din ng 1Aviation ang Cebu Pacific.

Samantala, sinibak ng Philippine Airlines ang 300 nitong ground staff noong Pebrero, habang nag-alis ang CebuPac ng halos 190 manggagawa noong Marso.

Sinabi naman ng AirAsia Philippines na magtatanggal ito ng nasa 260 kawani sa katapusan ng Hunyo, kabilang ang mga cabin crew.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?