28

Jan 17, 2020 @ 17:49
By

KaTropa magpapabilis, dinampot si Alejandro

Nag-iipon ng guard ang TNT KaTropa, mukhang sa mas mabilis na laro patungo ang KaTropa sa mga susunod na season.

Dinampot ng TNT si JJay Alejandro mula sa unrestricted free agent with rights to salary list ng Rain or Shine.

May dalawang taon pang natitira sa kontrata ni Alejandro na aakuin na ng KaTropa. Inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office ang move nitong Biyernes.

Bago ‘yun ay kinuha rin ng KaTropa mula E-Painters si shooting guard Ed Daquioag noong Martes lang, ipinalit ang second round picks nila sa 2020 at 2021 (mula NorthPort), at 2022 galing SMB.

Pick ng Meralco si 6-foot-1 Daquioag mula UST noong 2015 Special Draft.

Si Alejandro ay galing National U at tinapik bilang eighth overall ng Painters noong 2018.

Naka-16 games lang sa RoS si Alejandro sa kanyang rookie year, nag-average ng 2.6 points.

Ang lehitimong big lang ng TNT ay si Troy Rosario, mas madalas pang nasa labas. Si forward Jay Washington ay hindi rin nagagamit sa sistema nina coach Bong Ravena at active consultant Mark Dickel.

Dadatnan nina Daquioag at Alejandro sa KaTropa sina guards Jayson Castro, RR Pogoy, Bobby Ray Parks, Kib Montalbo at bagong salta rin mula Alaska na si Simon Enciso.

Sa dami ng naipong guards, mas malamang na daanin ng TNT sa takbuhan ang mga laro sa susunod na mga taon.

Binigyan din ng TNT ng one-year contract si Fil-Peruvian Val Chauca, ang 41st pick (fourth round) nila noong nakaraang draft. Point guard din si Chauca, naglaro sa FamilyMart-Enderun sa D-League bago ang one-and-done stint sa Adamson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?