5

By

Katrina mas happy kapag natatalo ni Megan sa teleserye

Sharing is caring!

Mas natutuwa at nakakahinga raw nang maluwag si Katrina Halili kapag may mga eksena sila ng co-star niya sa seryeng The Stepdaughters na si Megan Young na ‘talo’ siya nito.

Kapag daw kasi siya ang natatalo o nadadaig sa eksena ni Megan ay mas naiibigan ng viewers at nababawasan ang kanyang bashers.

Si Katrina kasi ang kontrabida sa nasabing serye kaya madalas na inaapi niya si Megan na bida rito.

Inuulan daw ang sexy actress ng haters ‘pag inaaway niya si Megan kaya ‘pag may mga pagkakataong siya naman ang nadadaig ng beauty queen-actress, sa halip na malungkot ay happy at nagpapasalamat si Katrina.

Hanggang ngayon ay super effective na kontrabida pa rin si Katrina sa mga teleserye ng GMA7 at kahit nagpahinga siya pansamantala sa showbiz nang manganak, nakabalik naman siya nang bonggang-bongga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?