23

By

Katrina manhid sa lambingan nina Megan, Mikael

Sharing is caring!

“Hindi ako naiinggit! Manhid ako!” ang statement ni Katrina Halili nang tanungin namin kung naiinggit pa rin ba siya kapag nakikita niya ang mga co-star sa GMA afternoon prime na The Stepdaughters.

Joke lang daw niya ‘yun dati na naiinggit siya sa sweetness nina Megan Young at Mikael Daez dahil siya nga, very open na ilang taon nang walang karelasyon. Pero bakit naman naging manhid na siya ngayon?

“No, walang reaction, happy lang ako for them. At saka, happy ako sa life ko. May Katy naman kasi, friends, family, trabaho.”

Thirty-two na siya ngayon, pero hanggang thirty-five pa raw niya nakikitang okey siya talaga na single lang.

Katwiran ni Katrina, “Ang aga ko kasing nag-boyfriend. Kaya ‘yung naging single ako ng six years na, ang saya pala.”

At wala rin daw siyang moment na naiinip, nagha­hanap. At lalong wala rin daw siyang regret na naghiwalay sila ng daddy ng anak niya na si Kris Lawrence. Hindi naman niya sinisiraan ang ama sa anak niya?

“Wiz! Hindi! Bawal!”

Wala siyang posting sa Instagram?

“Wala! At saka, nasa Bible ‘yan. Honor thy father and mother. Paano niya i-o-honor ang Daddy niya kung sinisiraan ko, ‘di ba? So, ‘wag.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?