104

Apr 8, 2021 @ 16:24
By

Katrina Halili wala nang kilig sa mga kelot

Tsika ni Katrina Halili, wala na siyang nami-miss sa mga lalaki.

Hindi na rin daw siya kinikilig sa mga ito, sa tagal niyang walang boyfriend.

Tinanong kasi si Katrina sa ‘Mars Pa More’ kung ano ang nakaka-miss sa mga lalaki kapag wala naman ang mga ito.

“Naku mars, medyo matagal na kasing wala ako talagang boyfriend kaya wala na akong maalala. Wala akong nami-miss,” sey ni Halili, 35.

Kahit yakap ay hindi na aniya niya nami-miss dahil “kuntento na ako sa yakap ni Katie.” Si Katie ang 8-anyos na anak ni Kat sa ex-boyfriend nitong si Kris Lawrence.

Hindi na rin daw niya nami-miss ang pag-aalaga ng lalaki.

“Mga lalaki, wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala, burado na sila,” bigkas pa ng aktres-negosyante.

2014 nag-break sina Katrina at Kris.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?