24

By

Katrina Halili thankful sa Best Actress nomination sa Star Awards

Sharing is caring!

Nagpapasalamat ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa pagka-nominate sa kanya bilang Best Actress sa darating na 32nd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Pahayag ng aktres, “Yes, nakakatuwa po na ma-nominate sa PMPC Star Awars for television, happy ako na may nakaka-appreciate ng ginagawa ko.”

Ang 32nd Star Awards for Television ay gaganapin sa October 14 (Sunday) sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University.

Nominado si Kat (nickname ni Katrina) para sa seryeng ‘The Stepdaughters’ ng GMA 7.

Actually, kontrabida sa seryeng ito si Kat, kaya maituturing na additional achievement ito para sa seksing Starstruck alumna dahil kadalasang ang mga bida sa serye ang nabibigyan ng ganitong recognition.

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-nominees bilang Best Actress na sina Erich Gonzales (The Blood Sisters), Glaiza de Castro (Contessa), Jodi Sta. Maria (Sana Dalawa Ang Puso), Julia Montes (Asintado), Liza Soberano (Bagani), Sylvia Sanchez (Hanggang Saan), at Yasmien Kurdi (Hindi Ko Kayang Iwan Ka)?

“Lahat po silang aktres ay magagaling and may laban po lahat… I mean, puwedeng manalo ang lahat ng nominado,” sambit pa ni Kat.

Sa nakaraang 3rd ToFarm Film Festival ay na-nominate rin si Katrina bilang Best Actress para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang ‘Mga Anak ng Kamote’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?