59

By

Katrina Halili masyadong busy, walang time sa relasyon

Sharing is caring!

Isa si Katrina Halili sa tampok sa pelikulang ‘Mga Anak ng Kamote’ na pinamahalaan ni Carlo Enciso Catu. Isa ito sa entry sa ToFarm Filmfest na magsisimula sa September 12.

Ito ay isang futuristic film na ang setting ay taong 2048, na ang kamote ay ipinagbabawal na tulad ng droga.

Gumaganap dito si Katrina bilang babaeng naninirahan sa bundok na napilitang bumaba sa lungsod upang hanapin ang nawawalang asawang si Alex Medina, na napagbintangang nagbebenta ng kamote.

Tampok din sa pelikula sina Kiko Matos, Carl Guevarra, at iba pa.

Aminado siyang humataw nang husto habang ginagawa ang pelikulang ito na halos paidlip-idlip lang daw ang kanyang tulog.

Wika ni Katrina, “Parang dalawang linggo akong hindi natulog. Ano po, idlip lang, buti na lang kasi tangay yung shooting namin nito, so may dalawang oras lang ako para matulog.

“Pagdating ko roon, make-up na agad ako tapos kuha (take) na agad, kasi nga may cut-off time rin kami, kasi may pupuntahan din akong taping.”

May kapalit na ba si Kris Lawrence sa puso niya? Meaning, may bago na siyang BF?

Saad ng Kapuso actress, “Wala po. Wala, anak ko lang. Wala. No dating, wala. Busy rin po, e.”

Sinabi niya noon na parang ayaw na niyang makipagrelasyon?

Sagot pa niya, “Pero hindi naman po, ayaw kong tumandang dalaga. Kung sakaling mayroon na, siya na. Kapag mayroon naman dumating, open naman ako. Pero wala pa rin.

“Wala pa. Actually yung bestfriend ko rin eh, parehas nga kami, siya nga mag-ten years na wala pa ring dumadating (na lovelife). Ako seven (years), magsi-six pa lang si Katie, eh.”

Ibig sabihin, seven years na siyang tigang? “Huy!” Nakangiting saad ni Kat. Patuloy pa ng aktres, “Grabe. busy naman po sa career at saka ano, kailangan mag-ipon nang mag-ipon.”

Paano kapag malalamig ang gabi? “Mag-comforter ka. Gusto ko talaga kapag malamig, gustong-gusto ko mag-comforter, tsaka gusto ko itinotodo ko yung aircon. Kayakap ko baby ko. Ang sarap kaya ng may baby,” nakangiting esplika pa ni Kat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?