178

By

Katrina Halili loyal sa Kapuso Network

After ng pelikula ni Katrina Halili na ‘Mga Anak ng Kamote’ na entry sa 3rd ToFarm Filmfest, nabanggit ng aktres na gusto niyang mas maging aktibo pa sa paggawa ng pelikula.

Saad ni Katrina, “Yes, gusto ko gumawa ng ibang character, happy nga ako every time na may guesting ako na iba naman ang ginagawa ko. Gusto kong gumawa ako ulit ng movie, para makapag-explore naman.”

May dream role ba siya na wish magampanan?

“Siguro po yung puwede kong maipakita na kaya ko rin gumawa ng ibang role bukod sa kontrabida. May gusto akong napanood ko rati, di ko lang po matandaan… Maricel Soriano, yun nerdy po ata siya and weak, tapos may transition iyong character, or dual personality, kambal, ganoon,” saad pa ni Kat (nickname ni Katrina).

Fifteen years na si Kat sa showbiz at mula’t sapul ay nasa bakuran na siya ng Kapuso Network.

“Fifteen years na po ako sa GMA7, mula pa ng Starstruck noong 2003. Ang show ko ngayon ay ‘The Step Daughters’ sa afternoon prime time.”

Hindi ba siya dumating sa puntong nag-isip siyang lumipat sa ibang TV network?

Esplika niya, “Wala pa naman po akong naiisip na lumipat, happy naman po ako sa treatment nila sa akin, halos tuloy-tuloy din yun project nila sa akin.”

Samantala, mapapanood pa ang apat na pelikula ng ToFarm Film Festival 2018 hanggang October 2 sa Gateway, Greenbelt 1, at Trinoma. Kabilang sa apat na pelikula ang ‘Tanabata’s Wife’, ‘SOL Searching’, ‘Alimuom’, at ‘Mga Anak ng Kamote’.

Ang ‘Mga Anak ng Kamote’ ay tinatampukan nina Katrina, Alex Medina, Kiko Matos, Carl Guevarra, at iba pa sa pamahala ni Direk Carlo Enciso Catu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?