14
katrina-halili
By

Katrina Halili ‘di big deal ang pagiging single

Sharing is caring!

Para sa Kapuso actress na si Katrina Halili, as long as masaya siya sa buhay ay no big deal sa kanya kung single siya. Pero, ayaw din naman daw niyang maging old maid.

Pitong taon na walang karelasyon ang sexy-actress after niyang makipaghiwalay sa singer-boyfriend na si Kris Lawrence. Biniyayaan sila ng isang anak, ang 6-year-old na si Katy.

“I’m open to dating. But, being single is not a big deal. My best friend has been single longer than I’ve been — 10 years,” ani Katrina sa isang interbyu.

Busy ang sexy-actress sa kanyang career dahil kailangan n’ya rin talaga ang mag-work-to-death para sa kinabukasan ng anak.

Magmula raw ng pinanganak niya si Katy nabago ang perspective niya sa buhay. Alam na raw niya ang purpose, ‘yun ay ang mabigyan ng magandang buhay si Katy.

Wala naman daw siyang pinagsisihan sa relasyon nila ni Kris. Katunayan, best of friends daw silang dalawa at ang set-up nila ay naiintindihan ng kanilang anak.

Advice ni Katrina sa mga single mom: “Hang in there! Pray harder and more often. It also helps if you are friends with your ex, and that you can always count on him to be there for your child in case you get too busy with work and can no longer fetch her at school, for example.”

May entry si Katrina ngayong 2018 ToFarm festival, ang ‘Mga Anak ng Kamote’. Aniya, first lead role raw niya ito sa isang indie movie.

Ang 2018 ToFarm festival ay mapapanood mula Sept. 12 hanggang Sept. 18 sa mga selected cinemas — SM Megamall, SM Manila, Robinsons Galleria, Trinoma, Greenbelt 1 at Gateway Mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?