351

Nov 3, 2017 @ 9:36

Katrina Halili buntis?

By DONDON SERMINO

Nasa Kuala Lumpur Malaysia naman ngayon si Katrina Halili. At marami ang na-puzzle sa latest photo niya na kung saan ay hawak-hawak niya ang kanyang tummy.

Buntis ba si Katrina ngayon? At sino ang ama kung totoong buntis nga siya?

Eh, wala naman siyang boyfriend, ha! Matagal na silang hiwalay ni Kris Lawrence.

Well, sa unang tingin nga, iisipin mong buntis si Katrina. Ganiyan kasi ang mga girls, na madalas tsini-check ang kanilang mga tiyan kapag buntis sila.

Pero, heto nga ang say ni Katrina…

“Preggy look again, cause of (pig) life. Ang hirap magpapayat. Bawi na lang ulit pag-uwi. Mukhang effective naman ‘yun rf na ginagawa ko sa face ko bago umalis ng Manila. Pag-uwi na lang ulet. Vacay mode muna,” tsika ni Katrina.

Well…

Carla Abellana ‘soulmate’ ang tingin kay Tom Rodriguez

Isang sweet na sweet na ‘My soulmate’ na may red na puso ang post ni Carla Abellana sa photo ni Tom Rodriguez na nasa swimming pool sa Boracay.

Sobrang kilig-kiligan ang followers nilang dalawa, na noon pa man ay naghahangad na maging sila na, at mauwi sa kasalan ang lahat.

Eh, kapag tinawag na soulmate, malabo nang maghiwalay. At naniniwala ang fans nila na sa altar na nga mauuwi ang relasyon na ito.

Ang maganda sa dalawa, hindi sila maingay sa relasyon nila. Hindi nila ginagamit ang relasyon nila para mapag-usapan sila. Hindi nila ginagamit ang relasyon nila para maging mabenta sila sa fans, o sa mga producer.

Para sa kanila, ang relasyon nila, mas maganda kapag tahimik lang, mas hindi napag-uusapan.

Pero, hindi rin naman sila madamot sa chicka. Kapag nagtanong ka sa relasyon nila, may kahalong ngiti pa nilang sinasagot ang mga tanong.

Patricia Tumulak bawal nang laitin ng AlDub fans

Sa abroad nga ba nag-Halloween party si Patricia Tumulak? At makikita sa Instagram account niya ang sexy photo na costume niya sa Halloween party.

May mga nagtatanong lang, bakit hanggang ngayon ay bawal pa ring mag-comment sa Instagram account ni Patricia?

May trauma pa rin ba siya sa mga nagpapanggap na fans nina Alden Richards at Maine Mendoza?

Hindi ba, dahil ini-link siya kay Alden, naging sentro ng panlalait si Patricia. Na  kahit ipagdiinan na niya na may boyfriend siya at hindi niya type si Alden, ayaw pa rin siyang tantanan.

Well, ito nga ang mabisang panlaban sa mga bashers niya, ang i-off ang pagko-comment. Ginagawa rin ‘yan ng ibang artista like Nadine Lustre, Gretchen Barretto, at marami pang iba.

Good job! Hayaan mong manigas sa inggit ang mga bashers mo, Patricia!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?