736

By

Katrina Halili, balik alindog sa 50kg weight goal

Nagdaos ng kanyang late birthday celebration si Katrina Halili kasama ang kanyang mga kaibigan sa Villa Rina Hot Springs sa Pansol, Laguna.

Masaya ang “StarStruck” alumna hindi lang dahil mataas ang ratings ng kanyang Jan. 5 episode na “Magpakailanman” kundi dahil na-achieved niya ang kanyang 50-kilogram weight goal.

Sa kanyang Instagram makikita ang kasiyahan ng aktres habang nakahiga sa round wicker garden sofa suot ang gray one-piece swimsuit.

“Happy dahil sa high ratings ng Magpakailanman “Mahal ko ang asawa ng ama ko” ❤️🍃 Thank you @villarina.hotspring resort for accommodating us,” sabi ni Katrina sa caption ng larawan.

Maliban dito, malaki rin ang ngiti ni Katrina matapos niyang makuha ang timbang na 50 kilos.

“Starting the year reaching my goal of 50kg weight hence the happy face,” sabi niya sa caption.

Sa bandang huli, sinabi nitong ang isa sa sikreto para maging masaya ay mahalin muna ang sarili.

“To fall in love with yourself is the first secret to happiness. – Robert Morley.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?