15

By

Katrina balik-sexy, ready nang mainlab ulit

Sharing is caring!

Ano kaya ang nakapipigil kay Katrina Halili para sumubok ulit makipagrelasyon matapos magwakas ang relasyon kay RnB singer Kris Lawrence kung saan siya may isang anak na babae?

Ilang taon na rin namang hiwalay sina Katrina at Kris at nabalita na ngang may iba nang kasintahan ang huli pero ang sexy actress ay zero pa rin ang lovelife gaya ng pahayag niya sa publiko.

Balik-alindog si Kat at talagang kinarir niya ang pagpapaseksi kaya maraming nagsasabing mistulang dalaga na ulit ang katawan at itsura niya.

Blooming ngayon ang sexy actress na napanunuood sa seryeng The Stepdaughters ng GMA7 kaya hindi maiwasang mag-isip ang mga nakakikita sa kanya kung in-love raw kaya ulit si Katrina.

It’s about time naman kasi na sumaya na muli ang puso ni Katrina na nagsakripisyo ng kanyang career para sa anak at sa naunsyaming relasyon sa singer.

At ngayong bumalik na ang dating mala-FHM na katawan ni Katrina, tiyak na daragsa na naman ang mga manliligaw niya. At for sure, hindi na makaiiwas ang aktres na mainlab muli. Maglaway ka ngayon, Kris Lawrence!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?