37
strike-revilla
By

Katotohanan sa wakas

Sharing is caring!

Noong nakaraang Huwebes, June 28, humarap muli sa First Division ng Sandiganbayan ang ilang whistleblower sa PDAF scam para tumestigo sa kaso ni Senador Bong Revilla.

Their testimonies were revealing to say the least! Sa pag-uurirat ng mga abogado, inamin ng dalawang whistleblower na napilitan silang idiin si Senador Revilla matapos silang utusan ng mga prosecutor ng Ombudsman!

Unang isinalang si Marina Sula at sumunod si Arlene Baltazar, kapwa mga empleyado ng JLN Corporation. Ayon sa dalawang whistleblower, inutusan sila ni dating Special Prosecutor Jeofferson Toribio na idiin ang tatlong akusadong Senador.

Pilit man nilang itinatama ang mga kwento noong panahon ng kanilang case conference para sa kaso, isinantabi lang umano ng mga prosecutor ang kanilang nalalaman. Imbes na pakinggan ang katotohanan, dagdag nila, sinabihan sila umano na tumigil at suportahan na lang kung anuman ang sasabihin ni Benhur Luy – na huwag na nilang guluhin ang kwento dahil buo na raw ito at hihina ang kaso.

Lumabas din sa mga pagtatanong na wala silang nagawa kundi sumunod dahil baka alisin sila sa witness protection ng nakaraang gobyerno.

Maghapon iniisa-isa nina Sula at Baltazar ang mga dokumentong ginamit laban kay Revilla at isa-isa rin nilang sinabi kung sino ang pumeke nito, sabay pag-nguso kay Benhur Luy na siya umanong pumirma sa lahat. Kwento pa nila sa hukuman, kitang-kita nila si Benhur na pumipirma at naging SOP na raw ito sa kanilang opisina.

Kabilang sa mga dokumentong tinuran nilang peke ang mga endorsement letters, mga memorandum of agreement, liquidation reports, maging ang mga sulat sa gobyerno kabilang ang COA.

Iginiit din nila na ‘ni minsan ay hindi tumanggap ng kickback o komisyon ang dating Senador.

Paglilinaw ng abogado ng mga whistleblower, hindi naman daw nag-retract sina Sula at Baltazar. Nilinaw lang ng mga ito ang mga dati na nilang sinabi sa kanilang mga affidavit at testimonya na pilit ibinaon.

Humarap din si Senador Revilla sa hukuman daking hapon. Pinasinungalingan niya lahat ng mga akusasyon sa kanya, at ipinaalala ang naging rebelesyon ng mga whistleblower. Ani Senador Bong, apat na taon na niyang sinasabi na biktima siya ng sindikato at ginamit ito laban sa kanya dahil sa pulitika, na nakompirma nga nina Sula at Baltazar.

Nakatutuwa, at nakakagalit din, ang mga tinuran ng dalawang whistleblower. Kinailangan pang umabot ng apat na taon bago tuluyang masilayan ng liwanag at katotohanang nabaon sa kadiliman. Hindi na mababawi ang apat na taong nasayang, ngunit may maganda pa rin namang kinabukasan na naghihintay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?