102

Dec 13, 2017 @ 17:42
By

Katolikong obispo, nanawagan ng hustisya sa Dengvaxia controversy

Nanawagan ang isang Katolikong Obispo na kasuhan at panagutin ang mga opisyal ng gobyerno na responsable sa pagpapatupad ng anti-dengue immunization program gamit ang Dengvaxia vaccine na ginastusan ng P3.5 bilyon.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ngayong mas maraming katanungan ang nauungkat dahil sa isinasagawang pagdinig sa Senado at Kamara de Representantes, mahalagang matukoy kung sino ang dapat na managot.

“We urgently and strongly call for full investigation of this serious matter, prosecution and punishment of previous highest government officials,” giit ni Santos.

Aniya, nang dahil sa kapabayaan at pagiging iresponsable ng mga opisyal sa pamahalaan ng nakaraang administrasyon, nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 800K kabataan.

“Life is not an experiment. Life is not trial and error. And life is erroneously lost, wasted by careless and irresponsible decisions of those government officials,” dagdag ni Santos.

Tinukoy pa ni Santos na bilang obispo sa Bataan na sakop ng Region 3 na isa sa mga lugar kung saan ipinatupad ang malawakang pagbakuna ng Dengvaxia, ang kanyang diocese ay apektado nang husto sa nasabing kontrobersiya.

Kasabay nito, sinabi ng obispo na ipinagdarasal din nila ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng mga kabataan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?