94

Nov 1, 2017 @ 14:22

Katiwalian sa SSS, imbestigahan – Campos

Pinakikilos ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. ang National Bureau of Investigation (NBI), Office of the Ombudsman at ang Capital Markets Integrity Corp. (CMIC) para imbestigahan ang umano’y maanomalyang transaksiyon ng apat na senior executives ng Social Security System (SSS) sa stock market.

Hindi makapaniwala si Campos na pinagsamantalahan at ginawang gatasan ng matataas na opisyal ang SSS para sa kanilang pansariling interes.

“We are astounded at the manner in which the SSS’s second-highest ranking executive officer and three subordinates allegedly took advantage of their positions in transactions and acted for their own interests, rather than for the interests of the pension fund,” ayon kay Campos.

Sabi ng kongresista, dapat manghimasok na dito ang NBI at Ombudsman dahil sa posibleng paglabag ng mga opisyal sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Dapat aniyang magsagawa ang NBI ng “forensic accounting” sa mga pribadong stock trades nina SSS executive vice president Rizaldy Capulong; senior vice president and chief actuary George Ongkeko Jr.; vice president Reginald Candelaria, equities investment division/capital markets group OIC; at Ernesto Francisco Jr.,equities product development head.

“They may have been front-running and tailgating. It is possible they bought shares for their personal accounts at a lower price before they sent out large buy orders for the SSS’s portfolio. And then they may have sold their shares once prices were driven up by the buy orders for the pension fund’s account,” paliwanag ni Campos.

Base sa reklamo, ginamit nina Candelaria at Francisco ang mga impormasyong nakuha nila sa  accredited SSS broker para kumita mula sa initial public offerings (IPOs) ng limang kumpanya sa halip na irekumenda ito sa Social Security Commission. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?