51

Jul 30, 2018 @ 16:50
By

Katiwalian sa ‘parking fee’ bubungkalin ni Martires

Dumalo si Associate Justice Samuel Martires sa flag raising ceremony sa Korte Suprema kanina.

Dito nagpaalam na siya sa Korte Suprema para harapin ang kanyang bagong tungkulin bilang Ombudsman.

Kasama niya sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Presbitero Velasco, Mariano del Castillo at Andres Reyes.

Pinasalamatan ni Martires ang mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema na sumuporta sa kanya.

Sa panayam sa kanya ng media, sinabi ni Martires na prayoridad niya ang mga nakabinbin na kaso sa Ombudsman at ang isyu ng mabagal na pag-usad ng mga reklamo.

“My priorities will be the pending cases, the issue of inordinate delay, which has been an issue that has been haunting the Sandiganbayan as well as the Supreme Court. I will immediately look into that and the causes for the delay,” saad ni Martires.

Tututukan din daw niya ang isyu ng katiwalian tungkol sa “parking fee” na isiniwalat ni Atty. Edna Batacan na pinakawalan umano niya para hindi umusad ang isang kaso sa anti-graft body.

Ayon kay Martires, nais niyang malaman mula kay Batacan kung sinong opisyal at empleyado ng Ombudsman ang inabutan niya ng parking fee.

“I will be demanding, not requesting, I will be demanding from Atty. Batacan for her to identify the officer or employee na binigyan niya ng pera sabi niya as parking fee,” dagdag ni Martires.

Si Batacan ay naging katunggali ni Martires para sa posisyon ng Ombudsman.

Pinalitan ni Martires sa puwesto si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales na nagretiro na noong Hulyo 26. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?