70
malampaya-funds
Jan 10, 2018 @ 14:31
By

Katiwalian sa paggamit ng Malampaya funds, kakalkalin ng Senado

Pinabubuksan muli ni Senador Sherwin Gatchalian sa Senado ang imbestigasyon sa diumano ay tiwaling paggamit ng nagdaang Arroyo administration at Aquino administration sa Malampaya funds.

Inihain nito ang Senate Resolution No. 579 kung saan ipinatutuon ang imbestigasyon sa special report ng Commission on Audit (COA) na ginamit noon ang Malamapya funds nang walang habas.

Sa nasabing COA report, tinukoy na sa loob ng dalawang administrasyon,  naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P38.8 bllion pesos mula sa Malampaya funds at pinamahagi umano sa ibat ibang non-government agencies, ilang government-owned and controlled corporations (GOCCs) at sa provincial government ng Palawan.

Diumano’y nag-isyu ang DMB noon ng mga Special Allotment and Release Orders (SAROs) at mga Notice of Cash Allowances (NCA) kahit kapos sa documentary requirements gaya ng project proposal, fund request mula sa implementing agency at wala ring endorsement ng Pangulo.

Ayon kay Gatchalian, hindi ito dapat na paglapasin na lamang dahil dapat na maingat na ginagamit ang Malampaya funds sa mga proyekto para sa pagpapahusay ng energy resources ng bansa.

Dapat din aniyang managot ang umabuso at nagbulsa ng pondo.

“These funds were meant to finance the development of energy resources . Their usage for other purposes, and without following the clear procedural requirements concerning their disbursement, is a serious cause for concern that must be looked into by the government,” pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy.

“Considering the large amount of public funds involved, I believe an immediate inquiry is necessary to hold erring public officers responsible for the irregular release of these funds, and to prevent future illegal exploitation of these funds,” dagdag nito.

Ang Malampaya funds ay pinupunuan ng bahagi ng gbyerno sa kita mula sa pagbubungkal ng natural gas sa Camago-Malampaya Reservoir sa Palawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?