157

Jan 17, 2021 @ 11:19

Katiwalian ginagawa sa 3 ‘bansa’ – Ping

Sabi ni Senador Ping Lacson, isinasagawa ang korapsiyon sa tatlong “bansa” sa Southeast Asia.

Naalala aniya niya itong “lumang kuwento” dahil sa pagkakaiba-iba ng halaga ng presyo ng Sinovac’s COVID-19 vaccine sa iba’t ibang bansa.

“The difference in prices of Sinovac vaccine at US$5, US$14 and US$38 reminds me of an old story about how corruption is committed in three Southeast Asian countries – UNDER the table, ON the table, and INCLUDING the table,” pagtutukoy niya sa Twitter, Sabado.

Una nang sinabi ni Lacson na gusto pang magkasa ng mga senador ng bagong pagdinig tungkol sa vaccination program ng pambansang gobyerno.

Marami kasi aniyang hindi pagkakatugma-tugma sa binibigay na impormasyon ng mga opisyal ng gobyerno sa 2-araw na pagdinig sa nasabing isyu, gaya ng bakit naging government-to-private ang kasunduan ng Pilipinas sa Sinovac, at kung bakit sinabi noon ng gobyerno na discounted ang bayad sa Covax bakuna tapos ngayon ay libre na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?