1,674

Aug 3, 2022 @ 20:13
By

‘Katips’ actor rumesbak kay Juliana: ‘Paanong walang nakapila, magkaiba ng timeslot’

Nagsalita ang isa sa mga aktor ng pelikulang “Katips” matapos ipagmalaki ni “Miss Q&A” grand winner Juliana Parizcova Segovia ang umano’y pila sa “Maid in Malacañang” vs “Katips” sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Ibinahagi ni Segovia sa kanyang Facebook account ang photo collage, kung saan makikita ang mahabang pila para sa “MIM” kumpara sa “Katips” na tila nilangaw.

Sa isang sinehan umano sa Quezon City kuha ang mga larawan.

Nag-react dito ang aktor na si Johnrey Rivas at ibinahagi sa kanyang FB account ang naturang post ni Juliana.

“Ngayon lang ako magsasalita, Hi Babe Juliana Parizcova Segovia, Pano walang nakapila eh magkaiba ng timeslot yan?” saad ni Johnrey.

Sa kabila aniya ng pambabardagul ni Juliana ay nagpapasalamat pa rin daw si Johnrey na nabuhay ang pelikulang Pilipino dahil sa mga nanonood ng kani-kanilang pelikula.

“Tanong kolang din po. Bakit ang uniform ng buong Cinemas sa lahat ng bansa ay MIM? Hahaha daming pera ha. Sorry mahirap lang po kami. Pasensya napo. Kayo napo Blockbuster! Labyu! Mim! Pero kahit na mabardagul po kayo, Salamat parin dahil buhay ang pelikulang pilipino! Saksi kami bawat sinehan ang ang uumapaw ninyong suporta at pagmamahal!” sambit pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?