69

Feb 24, 2020 @ 19:31
By

Katigbak: Wala pang nag-aalok na bilhin ang ABS-CBN

Wala pa umanong natatanggap na anumang alok si ABS-CBN Corp. President at CEO Carlo Katigbak para bilhin ang TV network na mapapaso ang prangkisa sa Marso.

“We have not received any formal proposal or formal offer to acquire ABS-CBN,” sagot ni Katigbak kay Senadora Risa Hontiveros.

Si Katigbak ang nanguna sa mga executive ng ABS-CBN na dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Service nitong Lunes, Pebrero 24 hinggil sa prangkisa nito.

Sakali aniyang hindi sila mabigyan ng bagong prangkisa, maghahanap sila ng alternatibong paraan para makapaghatid ng serbisyo sa lahat ng Pilipino.

“Ang layunin ng ABS-CBN ay magbigay ng serbisyo sa lahat ng Pilipino at kung hindi namin magawa using our broadcast facilities, we will try to find alternative ways to continue providing the service,” pahayag ni Katigbak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?