9
views
abante-tnt-vismin-katie-homes-jamie-foxx
By

Katie Holmes itinanggi ang hiwalayan kay Jamie Foxx

Sharing is caring!

Nag-deny ang Hollywood actress na si Katie Holmes na hiwalay na sila ng actor-boyfriend niyang si Jamie Foxx.

Ito ang pinarating ng mga reps ng aktres tungkol sa kumalat na split rumor ng dalawa.

Ayon sa rep na si Leslie Sloane: “It’s100 percent untrue.”

Ito nga ang unang pagkakataon na nagsalita si Holmes sa relasyon nito kay Foxx na nagsimula pa noong 2013. Ayon sa isang source, may kinalaman daw ang anak ni Holmes sa ex-husband nitong si Tom Cruise na si Suri sa hiwalayan daw ng dalawa. Pero wala raw katotohanan iyon.

Noong 2017 naging public ang relasyon nila Kate at Jamie noong makunan silang holding hands sa isang beach.

Ayon sa Us Weekly: “They’re starting to be more comfortable about their relationship. They’d both been in public relationships before.

“They care about each other a lot and they tried to stay as quiet as possible because they didn’t want to ruin that … Jamie brings a lot of joy and happiness into her life. They’ve definitely become more serious.”

Pero kahit masaya si Katie sa relasyon nito kay Jamie, si Suri pa rin daw ang nasa top ng priority list niya.

Noong 2012 nag-divorce sina Katie at Tom Cruise at limang taon ang lumipas bago inamin ng aktres ang relasyon nito kay Foxx dahil sa pinirmahan niyang kontrata noong maging opisyal na ang divorce nito kay Cruise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?