72

Apr 2, 2020 @ 15:35
By

Kathryna, pinasilip na ang baby nila ni Koko Pimentel

Isinapubliko na ng asawa ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na si Kathryna ang kanilang newborn baby girl na si Ma. Kathryn Helena na ipinanganak noong Marso 29.

Kasabay nito ang kanyang pagpapasalamat sa kanyang pangalawang buhay matapos isilang sa pamamagitan ng caesarian ang kanilang unang anak ng senador.

“I am grateful for my second life… Me and Baby Helena survived a miracle emergency C-section delivery last March 29, 2020 (8pm)… Up to now I still can’t believe that me and my miracle baby are alive,” pahayag ni Kathryna sa kanyang Facebook page.

Nagpasalamat din si Kathryna sa lahat ng mga tumulong para maligtas ang kanyang buhay gayundin ang kanilang anak na si Helena.

“Thank you to all of those who helped us, sacrificed and risked themselves just to save my life and baby Helena… I will be forever grateful to all of you… To the hospital and doctors who really took care of us with open arms…. maraming salamat po,” sabi ni Kathryna.

“We felt the genuine love, commitment and concern that no amount of money can buy…up to know I still can’t believe that me & my miracle baby are alive,” dagdag pa nito.

Labis ang pasasalamat nito sa mga taong nagdasal sa kanilang kaligtasan.

“Unexpected people really helped us during our time of life & death crisis..you are all our angels sent from above..in time po when all this crisis is finished, we wil pay it forward to all of you,” sambit ni Kathryna.

“Thank u to all our true friends, family & love ones who prayed for us during this crisis…hindi nyo po kami binitiwan sa dasal. Maraming maraming salamat po,” dagdag pa ng maybahay ni Pimentel.

Hindi naman binanggit ni Kathryna kung saang ospital siya nanganak.

https://www.facebook.com/KathrynaYuPimentel/posts/1309849369213353

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?