56

Feb 22, 2021 @ 10:07
By

Kathryn, Ria natuto ng pottery

May bagong skill na natutunan ang celebrity friends na sina Kathryn Bernardo at Ria Atayde.

Ang pagpapalayok.

Binida ni Ria ang mga larawan ng kanilang pottery workshop sa isang studio sa San Juan, Pebrero 20.

Kasama nina Kath at Ria ang kapatid ni Ria na si Xavi, at ang dyowa ni aktor Joe Vargas na si Bianca Yanga.

“In the words of @xavitoysandgaming, ‘I had fun and felt like I did something productive’. Thank you @wabi_sabiph 10/10 will come back again,” caption ni Atayde.

“TY for doing this with us @bernardokath @byanga,” dagdag niya.

https://www.instagram.com/p/CLg04ToJvbK/?utm_source=ig_web_copy_link

Magugunitang gumanap bilang magkaibigan sina Ria at Kathryn sa 2018 movie na “The Hows of Us.” Napanatili ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan off-screen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?