231

Jan 6, 2022 @ 13:47
By

Kathryn ‘pinagpala’ sa tinatayong bahay

Literal na pinagpala si Kathryn Bernardo sa kanyang tinatayong bahay nang bisitahin niya ito at sinubukan pa ang maghalo ng semento gamit ang pala.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles, pinasilip ni Kathryn ang mga huling kaganapan sa kanyang tinatayong bahay.

Kasama ng aktres ang ilang kapamilya sa pag-inspeksyon ng kanilang future house.

Makikita rin sa mga larawan na pinost ni Kathryn kung gaano ka-luwang ang pinapatayong bahay, na hindi naman isinaad ng aktres kung saan ang lokasyon.

At para siya mismo ay makatulong sa pagtatayo ng kanyang bahay, sinubukan pa ng 25-anyos na aktres na maghalo ng semento gamit ang pala.

“YAHOO!!!!! EXCITING TIMES!!!” saad sa komento ng kanyang kasintahan na si Daniel Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?