123

Aug 4, 2021 @ 16:08
By

Kathryn nagpapatayo ng bahay

Ipinasilip ni Kathryn Bernardo ang sinisimulan nang dream house nila.

“Slowly getting there… [house emoji] I can’t believe it’s finally happening!” caption ni Kathryn sa Instagram post kasama ang kanyang mommy na si Min at pamangking si Lhexine nang bisitahin ang site.

Nag-post din ang mommy niya ng litrato sa IG.

“Yes anak, it is finally happening… Like ng lagi nating sinasabi: sa buhay we need to do baby steps as when you add up these little steps we take toward our goal,” sambit niya.

Noong March 9 last year ibinahagi ni Kathryn ang ginanap na groundbreaking ceremony para sa kanilang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?