140

By

Kathryn muntik umatras sa ‘Hello, Love, Goodbye’?

Nilantad ni Joross Gamboa ang hirap na pinagdaanan ni Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Goodbye” na first movie niya with Alden Richards under Star Cinema.

Ang “Hello, Love, Goodbye” umano sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina ang hardest project ni Kathryn dahil maliban sa unang movie shoot niya ito sa labas ng bansa na wala ang matagal na niyang ka-loveteam na si Daniel Padilla, hindi siya pinayagang makagamit ng cellphone ng isang buwan.

Gusto rin umano ni Garcia-Molina na lumabas sa kanilang mga comfort zone sina Kathryn at Alden para ma-perfect nila ang pag-portray sa kanilang mga character bilang overseas Filipino worker.

Sinadya rin ni Direk Cathy na gawing heavy ang first scene nilang dalawa para makita niya kung anong merun sa pairing nila.

“Kasi nga di ba hindi ko alam paano sila together on screen, I have never seen them together on screen except nung storycon at ang ating look test. So I would see kung anong meron sila, so kung anong mapapanuod niyo ‘yon po ang meron sila,” sabi ni Direk Cathy.

Nakatakdang ipalabas ang “Hello, Love, Goodbye” sa July 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?