168

Aug 14, 2018 @ 15:56
By

Kathryn kasama sa Sharon-Goma movie, Daniel hiniwalayan

Sharon-Goma movie “Three words to forever”

TAPOS na ang story conference ng balik-tambalan Sharon Cuneta at Richard Gomez movie, ang “Three Words To Forever” under Star Cinema.

Huling pinagtambalan ni Megastar at Richard ay ang “Walang Kapalit,” 15 years ago.
Ani Shawie, very happy at excited siya sa muling pagsasama nila ni Goma. Bale 30th anniversary daw ng kanilang love team.

Ayon naman kay Goma na mayor ng Ormoc City, ang istorya ng movie nila ni Shawie ay tungkol sa pamilya. “It’s basically a love story. It’s a story of three generations, three families, three marriages.”

Kasama sa Sharon-Richard movie si Kathryn Bernardo kung saan first time niyang gagawa after seven years without her reel and real sweethearts Daniel Padilla.

Sambit ng young actress, malaking adjustment daw para sa kanya ang Sharon-Richard movie. At for the meantime, parang break na rin daw muna ng team up nila ni Daniel.

“I’m very lucky na ‘yung project na ‘to with Ms. Sharon and Sir Richard pa. So nandiyan sila to guide me of course. Mixed emotions po. I’m very excited sa bagong adventure na ‘to para sa’kin,” lahad ni Kathryn.

Si direk Cathy Garcia-Molina ang director ng Three Word To Forever. Ang role ni Kathryn sa movie ay anak nina Sharon at Goma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?