43

By

Kathryn, Daniel timplado na ang isa’t isa

Hindi umano naba-bother si Kathryn Bernardo sa tinatawag na “seven-year itch” kung saan lumalamlam ang pag-iibigan ng dalawang magkarelasyon.

Kwento ni Kathryn sa isang PEP article, baligtad umano ang nangyayari sa kanila ng boyfriend na si Daniel Padilla dahil kahit matagal na silang magkasama, maraming magagandang nangyayari sa kanila ngayon.

Kamakailan nga ay nag-celebrate sila ng anniversary sa Morocco.

Inamin ni Kathryn na nagkakaroon din sila ng problema ni Daniel pero napag-uusapan nila ito at naha-handle nang tama dahil umano sa nag-mature na sila at timplado na nila ang bawat isa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?