35

Sep 29, 2020 @ 20:39
By

Kathryn, Daniel ‘ikakasal’ na!

“We’re getting married!”

‘Yan ang naging bungad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa panayam sa ‘TV Patrol’.

Ngunit hindi ito ang inaabangang real wedding ng mga KathNiel fan dahil para ito sa kanilang bagong serye na handog ng Star Cinema sa new normal.

Ang naturang digital movie series ay pinamagatang ‘The House Arrest of Us’, na halos kahambing ng hit movie ng dalawa na ‘The Hows of Us’.

Nilinaw naman ng couple na malayo ang istorya ng kanilang bagong serye sa naturang pelikula, at nilarawan ito bilang family themed series na syempre ay may romance.

“Kakaiba yung experience na nandito kami… parang nasa bubble lang din. Astig din siya,” saad ni Daniel sa kanilang lock in shooting.

Ang naturang serye ay mahahati sa 13 part, na tungkol sa dalawang tao na na-lockdown sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang pamilya.

Makakasama din ng KathNiel sina Gardo Versoza, Ruffa Gutierrez, Dennis Padilla at Herbert Bautista.

Mapapanood ito sa website ng KTX at iWant TFC simula sa October 24 at 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?