116

Dec 25, 2017 @ 18:26
By

Kathryn Bernardo umalis pa-US

Dahil Christmas, vacation time for Kathryn Bernardo dahil noong Sunday, umalis sila ng kanyang nanay, si Mommy Min pa-Los Angeles, California.

Nakita’t nakatsikahan namin ang mag-ina sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines.

Bago raw ang kanilang flight, nanggaling pa si Kathryn sa taping ng La Luna Sangre at pagkauwi, saka pa lang nag-empake para sa kanilang flight.

“Sunud-sunod din po kasi ang trabaho, kaya pagkagaling pa lang sa taping kagabi, saka pa lang nakapag-empake si Kathryn,” tsika ni Mommy Min.

No wonder at mukhang puyat si Kathryn nang makita namin last Sunday.

“Hindi na nga po ako nakapunta sa Christmas party ng La Luna Sangre dahil nag-empake pa po ako from the taping,” sey naman ni Kathryn.

Bale sa morning flight daw sila ng kanyang nanay at susunod naman sa gabing flight ang iba pang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Bale sa January na ang balik niya ng ‘Pinas dahil magre-resume ang taping ng La Luna Sangre.

Sa tsikahan namin na ‘yon, nabanggit ng nanay ni Kathryn na bilib siya kay Richard Gutierrez na gumaganap na Supremo/Sandrino sa La Luna Sangre.

“Kahit vampire ang role ni Richard, gusto rin siya ng batang viewers ng show. Bagay sa kanya ‘yung role niya,” sabi pa ni Mommy Min.

Samantala, napagkuwentuhan din namin ‘yung nangyari sa kanila sa Thailand last week kung saan ay na-late sila ng 10 minutes sa flight nila pabalik ng Pilipinas.

Pagdating daw nila sa airport, closed na ang check-in counters.

“Wala na po kaming nagawa kundi bumili ng new tickets pabalik ng Pilipinas kasi may taping din ng La Luna Sangre,” sabi ni Kathryn.

Sa sunod-sunod na trabaho bago ang Christmas break, bale hindi lang daw vacation ang gagawin ni Kathryn sa US at makakapagpahinga rin siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?