238

Aug 31, 2018 @ 14:07
By

Kathryn Bernardo sobra ang pasasalamat sa pagpatok ng ‘The Hows Of Us’

Patuloy sa paghataw sa takilya ang pelikulang ‘The Hows Of Us’ na tinatampukan nina Kathryn Berrnardo at Daniel Padilla.

Nagsimula itong ipalabas last August 29 at tumabo agad ito sa takilya nang kumita ng higit 35 million pesos. Sa second day ay patuloy na humataw pa sa box office ang pelikula nilang pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Kaya naman labis-labis ang kagalakan at pasalamat ni Kath sa kanyang Instagram account.

Post ni Kath sa kanyang IG account:

“HINDI KO TO KINAKAYA. Ibang klase kayo! thank you thank you THANK YOU!! direk @kaybash1326 and team #TheHowsOfUscongratulations!! ”

Eto naman ang post ni Kath sa Instagram account niya kahapon na may kasamang picture na as of August 30, Php. 70,755,736.11 na ang kinita ng kanilang movie: “THANK YOU LORD! THANK YOU EVERYONE ”

Kung magpapatuloy ang magandang performance sa box office ng pelikulang ito ng KathNiel tandem, posibleng makagawa ng bagong box office record ang latest movie ng dalawa.

Bukod kina Kathryn at Daniel, tampok din sa The Hows Of Us sina Alwyn Uytingco, Keith Thompson, Darren Espanto, Juan Miguel Severo, Ria Atayde, at Jean Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?