152

Nov 30, 2017 @ 15:10

Kathryn Bernardo palaban na sa bugbugan kay Richard Gutierrez

Patuloy sa pamamayagpag ang hit action serye ng ABS-CBN na La Luna Sangre sa primetime sa kabila ng bago nitong karibal sa timeslot. Ayon sa datos ng Kantar Media, mas tinutukan ang pagbubukas ng Power Unlock week ng Kapamilya soap noong Lunes (Nov. 27) at nakakuha ng national TV rating na 31.4% mula sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa kakasimula lang na kalabang serye na may 15.6%.

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 urban at rural homes.

Sa naturang episode, nasaksihan ng mga manonood ang pagsumamo ni Malia (Kathryn Bernardo) sa buwan at paghiling niya na lumakas pa ang kanyang kapangyarihan para tuluyang matalo si Sandrino (Richard Gutierrez) at masagip si Tristan (Daniel Padilla). Tila narinig naman siya nito nang biglang pumula ang kanyang kamao.

Agad-agad trending sa social media ang emosyonal na monologue ni Kathryn at umani ng samu’t saring papuri sa netizens.

“Pwede ba natin bigyan pansin ang ginawang pag-arte ni Kathryn Bernardo sa eksenang ‘yun?

Ibaaaa! Alamat ka talaga! Mata pa lang, lahat ng kailangang emosyon nakikita!,” saad ni @iamtherealjenn.

Ngayong dumagdag na ang kapangyarihang taglay ni Malia, paano niya kaya ito gagamitin laban kay Sandrino? Maligtas na kaya niya si Tristan bago pa ito malagutan ng hininga sa loob ng kabaong?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?