317
Kathryn Bernardo nangako ng ‘walang hanggan’ kay Daniel Padilla
By

Kathryn Bernardo nangako ng ‘walang hanggan’ kay Daniel Padilla

Sa kabila ng kumakalat na tsismis na dumaraan umano sa hindi magandang stage ang relasyon ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayon, pinatunayan ng dalawa na walang katotohanan sa mga sabi-sabing ito.

Ipinakita ng KathNiel ang affection at pagmamahal sa isa’t isa sa kanilang video na inilabas online.

Sa isang vlog na may titulong ‘Discover a Different World with KathNiel’, kitang-kita ang pag-eenjoy ng mga ito sa kanilang trip to Hokkaido at Hiroshima, Japan.

Ipinakita sa video clip ang other side ng couple kung saan ay sobrang sweet at funny ng mga ito.

Makikita rin sa clip ang sulat ni Kathryn sa kaniyang boyfriend at onscreen partner na si Daniel.

“This is going to be our best year together! Thank you for all the love you’ve given me. I promise to love and stay with you forever. I love you so much!”

Hindi naman palalamang si Daniel at may regalo rin ito kay Kathryn na may mensaheng, “To more adventures with you, my love!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?