31

Dec 29, 2020 @ 15:36
By

Kathryn Bernardo finlex mga bag

Pinakita ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo ang koleksyon niya ng mga designer bag.

Sa kanyang latest vlog, pinakita niya ang mga bag na madalas niyang gamitin.

Bukod daw sa mga sapatos, mahilig din siyang mag-invest sa mga bag dahil madalas niya itong gamitin tuwing bumibyahe.

“More than shoes, mas nag-iinvest ako sa bags kasi mas nagagamit ko siya when I’m traveling,” aniya sa vlog.

Dagdag pa ng aktres, nagsisilbing reward sa sarili niya ang pagbili niya ng mga designer bag.

“Once in a while lang naman. Hindi naman every time na may gusto ako ay nakukuha ko in a just a snap. I have to work hard for it,” saad niya.

Pinakita rin ni Bernardo sa vlog ang dalawang bag na bigay sa kanya ng nobyo niyang si Daniel Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?