70

May 24, 2021 @ 13:57
By

Kathryn ayaw pang magka-baby kay Daniel

Wala pa sa isip ni Kathryn Bernardo na magkaroon ng sariling pamilya kay Daniel Padilla.

Aniya, kung sakali mang ikakasal na sila ni DJ ay gusto muna niyang ma-enjoy nila ang isa’t isa.

“Kasi gusto ko enjoy muna namin. Hindi kami naka-travel ngayon, so ‘yun ang gagawin. Then once I’m ready, once we’re ready, no pressure naman na magba-baby agad after,” sey ni Kathryn sa Youtube vlog ng aktres.

Hindi rin naman siya nape-pressure na mag-settle down na at bumuo ng pamilya.

Sey ni Kath, gusto muna niyang magkaroon sila ng sariling bahay kung sakaling ikakasal sila ni Daniel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?