19

Jun 21, 2021 @ 15:06
By

KathNiel, Yaya Dub nagpabakuna na

Ilan pang mga artista ang nagpaturok ng unang dose ng bakuna kontra COVID nitong Lunes.

Nabakunahan ng unang dose ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Makati City.

Dakong alas-9:00 a.m. ng umaga dumating ang dalawa sa vaccination site ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bukod sa KathNiel, nakuha na rin ni Maine Mendoza ang una niyang dose ng bakuna at ibinahagi pa ang litrato niya sa Instagram kung saan napapikit siya habang tinuturukan.

“Got my first dose! Thank you, MandaVax!” wika ni Maine sa caption.

Ang mga artista ay kabilang sa A4 category sa vaccination drive ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?