26

Oct 20, 2020 @ 15:36
By

KathNiel napag-uusapan na ang kasal

Para kay Kathryn Bernardo, nasa tamang edad na sila ng dyowang si Daniel Padilla para maghanda sa paglagay sa tahimik.

“Napag-uusapan naman na talaga namin ‘yon. I think nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin sa puntong ‘yon,” sambit ng 24-anyos na Pinay actress.

“And now, ‘yon ang dahilan kung bakit kami nagtatrabaho ngayon: [para] i-ready ‘yong mga kailangang i-ready kasi malaking step ‘yon,” aniya pa sa online presscon ng kanilang digital series na “The House Arrest of Us”.

Kinumpirma niya rin ang deal nila ng 25-anyos na aktor na ikasal bago sila maging 30 taong gulang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?