49

Nov 17, 2020 @ 20:52
By

KathNiel nag-repack ng relief goods

Mismong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nag-empake ng mga pinamahagi nilang relief goods sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Makikita sa Instagram post ni Daniel ang kahon-kahong relief goods na ni-repack nila.

Kasama nila ang kani-kanilang pamilya kabilang ang mommy ni Daniel na si actress-host Karla Estrada, na nag-share rin ng mga litrato sa Instagram ng nangyaring repacking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?